Task Force Balik Loob, binuo ni Pangulong Duterte para sa mga nagsisukong rebelde

By Chona Yu April 04, 2018 - 08:31 PM

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga rebelde na nagbabalik loob sa pamahalaan, nagpalabas na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng Administrative Order na magtatag ng Task Force Balik Loob.

Base sa Administrative Order No. 10 ng pangulo, gagawin nang sentralisado ang lahat na gagawin na hakbang ng pamahalaan para sa reintegration ng mga dating rebelde.

Kasama sa Inter Agency Task Force ang DND, DILG, OPAPP, OP at NHA kung saan layunin nitong makamit ang kapayapaan sa bansa.

Pinasisiguro ng pangulo sa Task Force na nabibigyan ng local government units ng kinakailangang ayuda ang mga dating rebelde para muling makapamuhay ng normal. /

TAGS: NPA, Task Force Balik Loob, NPA, Task Force Balik Loob

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.