LOOK: Mga lokal na pamahalaan may “Operation Tuli” ngayong summer vacation

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 04, 2018 - 10:30 AM

Dahil summer vacation na ng mga mag-aaral, kabi-kabila na naman ang mga programa sa pagpapatuli.

Sa Cavite City, magkakasunod na “Operation Tuli” ang isasagawa ngayong buwan ng Abril sa iba’t-ibang paaralan.

Mula April 4 hanggang 5, isasagawa ang “Operation Tuli” sa Ladislao Diwa Elementary School Multipurpose Hall sa Caridad, Cavite City.

Sa April 6 naman ay gagawin ang programa sa Barangay Hall ng Brgy. Tirona, sa General Mariano Alvarez.

Habang sa Amadeo National High School sa Brgy. Poblacion sa Amadeo naman gagawin ang libreng tuli sa April 7.

Sa isang barangay sa Las Piñas City, ginamitan pa ng larawan ng X-men character na si Wolverine ang paanyaya sa mga nais magpatuli.

Makikita sa poster ng Brgy. Pilar ang larawan ng saging katabi ang larawan ni Wolverine kasama ang matutlis at matatalas niyang “claws”.

Gagawin ang “Operation Tuli” sa nasabing barangay sa APril 6 sa Nature Park mula alas 8:00 ng umaga.

Sa Barangay Tangos sa Navotas City, nagsagawa din ng “Operation Tuli” ngayong araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Operation Tuli, Radyo Inquirer, summer vacation, Operation Tuli, Radyo Inquirer, summer vacation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.