4 na kasong kriminal isasampa ng PAO kaugnay sa Dengvaxia mess

By Rohanisa Abbas April 04, 2018 - 09:11 AM

Magsasampa ngayon araw ang Public Attorney’s Office (PAO) ng apat na kasong kriminal laban sa mga pinaniniwalaang dapat panagutin sa sa Dengvaxia.

Ayon kay PAO chief Persida Acosta, natapos na ang histopathological exam na isinagawa ng pathologists sa ilang nabiktima ng Dengvaxia vaccine.

Sinabi ni Acosta na pangangalanan nila sa mga kaso ang mga pinaniniwalaan nilang tiyak na responsable umano sa mga pagkasawi ng mga batang naturukan ng bakuna sa dengue.

Gayunman, ani Acosta, mayroon ding mga akusadong hindi muna papangalanan habang nakabinbin pa ang mga dokumento kaugnay nito.

Matatandaang nagsampa ng kasong kriminal ang Volunteers Against Crime and Corruption at Vanguard of the Philippine
Constitution Inc. laban kay dating pangulong Noynoy Aquino at ilang mga dating myembro ng kanyang gabinete kaugnayng Dengvaxia.

 

 

 

 

 

 

TAGS: anti dengue vaccine, Dengvaxia, Radyo Inquirer, anti dengue vaccine, Dengvaxia, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.