Anti-rabies vaccine nagkaka-ubusan na – DOH

By Justinne Punsalang April 04, 2018 - 01:43 AM

Inamin ng Department of Health (DOH) na mayroong kakulangan ng stocks ng anti-rabies vaccine para sa tao sa buong mundo.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensya sa Department of Agriculture-Bureau of Animal Industry (DA-BAI) upang partikular na tutukan ngayon ang pagbabakuna ng anti-rabies sa mga hayop.

Paliwanag ni Duque, ito ay para masiguradong hindi na lumaganap pa ang rabies lalo na’t mayroon shortage ng anti-rabies vaccine para sa mga tao.

Ayon pa sa kalihim, sa ngayon ay mayroon pang stocks ng anti-rabies vaccine ngunit dahil sa kakulangan nito sa buong mundo ay mahihirapan ang Pilipinas na mapalitan ang mga magagamit na bakuna at magpapatuloy ang pagbaba ng bilang nito.

Samantala, sa datos ng DA-BAI, umakyat ang bilang ng mga aso at pusa na mayroong rabies noong 2017. Mula kasi sa 700 noong 2016 ay nasa 900 na ito.

Ayon pa sa kagawaran, hindi madaling malaman kung mayroon bang rabies ang isang hayop kaya naman mas maiging pabakunahan na ito kaagad.

Paalala pa ng mga otoridad, kung makakagat o makakalmot ng anumang hayop ay linisin ang sugat sa pamamagitan ng sabon at malinis na running water bago agad na magtungo sa animal bite center upang masuri ng mga doktor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.