Summer Season, posibleng maagang ideklara ng PAGASA
Posibleng maagang ideklara ng PAGASA ang simula ng summer season ngayong buwan ng abril kasunod ng inaasahang pagkawala ng Northeast Monsoon o hanging Amihan.
Ayon sa PAGASA, sandali na lang ang itatagal ng malamig na hangin mula sa China at makakaapekto ito sa northern at central regions tuwing Sabado at Linggo na lamang.
Sa pagtatapos ng Amihan season ay papasok naman ang panahon ng tag-init kung kailan iiral ang Easterlies o mainit na hangin mula sa dagat Pasipiko at ang Ridge of High Pressure Area.
Hanggang bukas Miyerkules ay magiging maganda ang panahon liban na lang sa isolated rains o thunderstorms sa hapon o gabi.
Noong nakaraang taon ay idineklara ng PAGASA ang simula ng Summer sa unang linggo ng Abril.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.