Patay na ang dalawang kapwa-akusado nina Kerwin Espinosa at Peter Lim na nahaharap sa kaso ng iligal na droga.
Ipina-subpoena ng Department of Justice (DOJ) ang respondents sa kaso ng droga na isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG), kabilang sina Max Miro at Nelson “Jun” Pepito.
Gayunman, batay sa subpoena, patay na ang dalawa.
Napatay naman ng pulisya si Miro sa Ormoc City noong March 10 habang isinisilbi ang arrest warrant sa kanya ngunit nalaban ito0.
Pinagbabaril naman ng riding-in-tandem si Pepito noong December 1 dakong 6:50 ng umaga sa Albuera, Leyte, batay na rin sa ulat ng pulisya.
Magsasagawa ng panibagong preliminary investigation ang DOJ sa kaso ng droga laban kina Espinosa at Lim. /
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.