12 katao, nagka-rabies matapos kumain ng aso
By Rohanisa Abbas April 03, 2018 - 12:32 PM
Inoobserbahan ngayon ang 12 residente ng Dumingag sa Zamboanga del Sur matapos magkaroon ng rabies.
Ayon sa Department of Health, kinain ng mga residente ang karne ng aso na niluto ng may-ari nito.
Ito ay matapos umanong kagatin ng aso ang amo nito.
Pumanaw naman ang amo ng aso 15 araw matapos siyang kagatin.
Pinaalalahanan naman ng Doh ang publiko na huwag kainin ang karne ng aso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.