DILG sasampahan ng administrative case ang mga opisyal ng Malay, Aklan dahil sa problema sa Boracay

By Len Montaño April 03, 2018 - 01:01 AM

Plano ng Department of Interior and Local Government (DILG) na sampahan ng reklamong administratibo ang mga lokal na opisyal ng Malay, Aklan dahil sa pagbalewala sa isla ng Boracay.

Ayon kay DILG Assistant Secretary Epimaco Densing III, magsasampa sila ng administrative complaints sa Office of the Ombudsman bago mag-April 14 o bago magsimula ang election ban.

Sa ngayon anya ay tinatapos na ng Boracay Investigating Team ang lahat ng ebidensya laban sa mga opisyal ng bayan ng Malay.

Dagdag ni Densing, isasailaim din nila sa audit ang bawat establisyimento sa isla kaugnay ng hindi nila pagsunod sa environmental laws.

Una nang sinabi ni Malay Mayor Ciceron Cawaling na handa siyang humarap sa imbestigasyon at posibleng kaso laban sa kanya kaugnay ng mga iligal na istraktura at sewage problem sa Boracay.

TAGS: aklan, boracay, DILG, Office of the Ombudsman, aklan, boracay, DILG, Office of the Ombudsman

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.