Deployment ban sa Kuwait, hindi dapat agad alisin
Iginiit ni ACTS OFW Rep. John Bertiz na hindi agad dapat alisin ang deployment ban sa Kuwait kahit na hinatulan na ng kamatayan ang mag-asawang Syrian at Lebanese na pumatay at naglagay sa freezer sa Pinay OFW na si Joanna Demafelis.
Sinabi ni Bertiz, hindi dahil sinabi ng Pangulo na kapag nabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Demafelis ay agad babawiin ang deployment ban sa Kuwait.
Kaduda-duda anya ang lumabas na balitang bibitayin ang mag-asawa matapos ang naging pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa lifting ng deployment ban.
Sinabi pa ng kongresista na kung susuriing mabuti, kahit ang mga naunang balita na hawak na ng Lebanon Auhtority ang Lebanese na lalaki na pumatay kay Demafelis ay wala pa ring kumpirmasyon o official report man lamang na galing sa DFA at embahada ng Pilipinas sa Lebanon.
Paliwanag nito, malabong magpataw ng parusang kamatayan ang Kuwait kung ang suspek naman ay nasa Lebanon.
Naniniwala din ito na uulan ng “lobby money” para mabawi ang deployment ban dahil malaki ang kinikita dito ng ibang mga bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.