Aabot na sa labing limang tren ang tumatakbo at napapakinabangan ngayon ng MRT 3.
Ayon kay Aly Narvaez ng MRT 3, bandang alas tres ng hapin nasa 15 tren ang operational at tumatakbo, dahil dito bumaba sa anim na minuto ang kinailangan hintayin ng mga pasahero bago dumating ang kasunod na tren.
Ang pag-akyat sa labinglimang tren na nagagamit ngayon ng MRT, ito ay dahil umano sa tuloy-tuloy na trabaho ng mga MRT engineers, technician, operators, officials at personnel na sinamantala din ang ilang araw na walang biyahe ang tren para maayos at matiyak na ligtas ang mga tumatakbong tren.
Sa ngayon target ng MRT 3 na umabot sa 20 tren ang mapatakbo at magamit ng mga pasahero, ito ay para maibsan ang siksikan at mahabang pila at masmaraming pasahero ang makasakay.
Samantala aabot naman sa 21 P2P bus ang bumiyahe kanina at nakapagsakay ng 1674 na pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.