Pagbasura ng Sandiganbayan sa bail petition ni Napoles, may basehan ayon sa SC

By Len Montaño April 02, 2018 - 08:21 PM

Nagdesisyon ang Korte Suprema na sapat ang basehan ng Sandiganyaban sa pagbasura sa hiling ni Janet Napoles na magpiyansa.

Sa anim na pahinang resolusyon, ibinasura ng Supreme Court ang motion for reconsideration ni Napoles kahit ginamit nito ang 2016 ruling sa plunder case laban kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa argumento ng kataas-taasang hukuman, walang merito ang apela ng umanoy utak ng pork barrel scam.

Sapat umano ang batayan ng Sandiganbayan nang ibasura ang aplikasyon ni Napoles na magpiyansa.

Sa basehan ng Sandiganbayan, ang denial sa bail application ni Napoles ay batay sa ebidensya na nagpakita umano ng presumption of guilt sa panig ng akusado.

Noong November 7, 2017, kinatigan ng Korte Suprema ang unang resolusyon ng Sandiganbayan na pagbasura sa nais ni Napoles na pansamantalang kalayaan dahil wala umanong grave abuse of discretion sa panig ng anti-graft court.

TAGS: janet lim-napoles, sandiganbayan, Supreme Court, janet lim-napoles, sandiganbayan, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.