Sen. Poe at Sen. Binay, natuwa sa hatol sa mga pumatay kay Joana Demafelis
Kapwa sinuportahan nina Senators Grace Poe at Nancy Binay ang panawagan ng mga kapwa nila senador na palakasin pa ang mga mekanismo na magbibigay proteksyon sa mga OFWs sa ibang bansa.
Kasabay nito, ikinalugod din ng dalawang senadora ang mabilis na pagbigay ng hustisya kay Joanna Demafelis.
Sinabi ni Poe na dapat ay mapanagot ang lahat ng mga maaring responsable sa sinapit ni Demafelis.
Para naman kay Binay, hindi dapat hinahayaan na tratuhin na lang na second-class citizen ang mga OFWs dahil nakakatulong ito sa ekonomiya ng bansa kung saan sila nagta-trabaho.
Iginiit din ng dalawa na dapat ay magkaroon din ng mga katulad na kasunduan sa ibang bansa kung saan malaki ang presensiya ng OFWs, tulad ng bilateral agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.