Mag-asawa sugatan sa pagsabog ng granada sa Cotabato
Sugatan ang dalawang katao sa pagsabog ng granada sa Barnagay Nueva Vida sa Mlang, North Cotabato.
Ayon kay Supt. Bernard Tayong, ng North Cotabato police, kapwa nagtamo ng matinding sugat sa katawan si Nestor Lambid Nuñez, 58 anyos at asawa niyang si Jovy, 54 anyos.
Sa ngayon, kritikal ang kondisyon ng dalawa sa ospital makaraang masabugan ng granada na inihagis ng isang lalaki.
Naghahapunan umano ang dalawa nang biglang bulabugin ng malakas na pagsabog sa kanilang compound.
Dalawang grenade lever ang natagpuan sa lugar ng mga rumespondeng otoridad.
Isang kapitbahay naman ng mag-asawa ang itinuturing ngayong person of interest ng mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.