Mahigit 42,000 pasahero naitala ng Coast Guard sa mga pantalan mula kaninang madaling araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 02, 2018 - 09:31 AM

PCG Photo

Sa loob ng anim na oras mula Linggo ng gabi hanggang Lunes ng madaling araw nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mahigit 42,000 na pasahero sa mga pantalan sa buong bansa.

Sa update mula sa PCG, mula alas 6:00 ng gabi ng Linggo hanggang alas 12:01 ng madaling araw ng Lunes, April 2, 2018 ay 42,635 ang kabuuang bilang ng mga pasahero ang na-monitor sa mga pantalan.

Pinakamaraming naitalang pasahero ay sa Central Visayas na umabot sa 14,578 at ito ay sa mga pantalan sa Cebu at Tagbilaran.

Sa Western Visayas naman, 8,690 na pasahero ang naitala sa mga pantalan sa Iloilo at Caticlan.

Habang sa mga pantalan sa Southern Tagalog ay nakapagtala ng 5,661 na mga pasahero mula sa Batangas, Oriental Mindoro, Southern Quezon at Occidental Mindoro.

Ang iba pang pantalan na nakapagtala ng mga outbound passengers ay sa Northern Mindanao (5,202); South Eastern Mindanao (2,967); Bico (2,076); Southern Visayas (1,470); Eastern Visayas (1,425); South Western Mindanao (505) at Palawan (61).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: monitored passngers, philippine coast guard, Radyo Inquirer, monitored passngers, philippine coast guard, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.