25 patay, 56 sugatan sa paggunita ng Semana Santa – NDRRMC
Umabot sa 25 ang naitalang nasawi at 56 ang sugatan sa paggunita ng Semana Santa.
Ayon sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakapagtala sila ng aabot sa 14 na insidente ng pagkalunod sa Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa at Cordillera Autonomous Region.
Mayroon ding naitalang 12 vehicular accidents sa Ilocos, Calabarzon at sa CAR.
Base sa ulat, karamihan sa mga nasawi ay bunsod ng pagkalunod.
Naitala ang mayorya ng mga insidente nong Huwebes Santo hanggang Biyernes Santo kung saan karamihan sa publiko ay nasa daan at nagbibiyahe o ‘di kaya naman ay nasa beach.
Ayon sa NDRRMC, nakapagtala sila ng iba’t ibang insidente sa iba’t ibang panig ng bansa at 17 dito ay nangyari sa Calabarzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.