WATCH: Dela Rosa, ipinag-utos ang paglilinis sa mga tanggapan sa Camp Crame para maiwasan ang dengue

By Mark Makalalad April 02, 2018 - 08:05 AM

Hindi pa man panahon ng tag-ulan ay nagpalabas na ng kautusan si PNP Chief Ronald Dela Rosa na magkaroon ng kalinisan sa lahat ng tanggapan sa Camp Crame para maiwasan ang posibleng pagkalat ng dengue.

Ito’y kasunod na rin ng kaso ng Dengvaxia kung saan marami sa mga PNP personnel ang naturukan.

Ayon kay Dela Rosa, dapat maglaan ng isang oras ang mga opisina sa Crame para sa ‘sanitation program’.

Posible aniyang gawin ang paglilinis ng alas-3:00 o alas-4:00 ng hapon bago ang uwian ng mga pulis.

Paliwanag ni Dela Rosa, ayaw nyang maging ‘alarmist’ pero mas mabuti na umano ito kaysa may mapahamak pa dahil sa hindi pag-iingat.

Nitong March 3 lang ay may isang pulis na natalaga sa QCPD ang inakalang namatay dahil sa Dengvaxia pero napaglaman matapos ang eksaminasyon na leptospirosis pala ang ikinamatay nito.

Sa kabuuan nasa 4, 445 ng PNP personnel ang naturukan ng Dengvaxia sa lahat ng Regional Health Service sa bansa.

At sa bilang na ito nasa 135 naman ang nagpakunsulta sa PNP-GH.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengue, Dengvaxia, pnp camp crame, PNP headquarters, Radyo Inquirer, Dengue, Dengvaxia, pnp camp crame, PNP headquarters, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.