2 miyembro ng NPA patay sa engkwentro sa Quezon

By Justinne Punsalang April 02, 2018 - 02:31 AM

AP Photo

Napatay ang dalawang armadong miyembro ng New People’s Army, habang sugatan naman ang isang sundalo ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) matapos magkasagupa sa Lopez, Quezon.

Sa isang pahayag na inilabas ni 201st Infantry Brigade commander Colonel Elias Escarcha, nagpunta ang isang unit ng CAFGU sa lugar matapos makatanggap ng ulat na mayroong isang grupo ng NPA na nagbabalak na atakihin ang Barangay San Andres Patrol Base.

Nang matunton ng mga sundalo ang mga rebelde ay agad na nagkapalitan ng putok na siyang nakapatay sa dalawang miyembro ng NPA.

Narekober mula sa mga ito ang isang M-16 rifle, isang AK-47 rifle, isang two-way radio, dalawang granada, at tatlong backpack.

Ayon sa mga otoridad, posibleng nasa ilalim ng pamumuno ni Joseph Delos Santos alyas Ka Bingot ng Platoon 2 ng Sub-Regional Military Area ang naka-engkwentrong grupo.

Samantala, nasa maayos nang kundisyon ang sugatang sundalo ng CAFGU.

TAGS: cafgu, engkwentro, NPA, Quezon, cafgu, engkwentro, NPA, Quezon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.