Mga amo ni Joanna Demafelis hinatulan ng kamatayan
Bibitayin ang lalaking Lebanese at asawa nitong Syrian national na kapwa amo ng pinatay na overseas Filipino worker na si Joanna Demafelis.
Ito ang naging hatol ng korte sa Kuwait matapos ang unang pagdinig sa kasong pamamaslang sa Pinay domestic worker na halos isang taon nang patay at nakasilid sa isang freezer sa abandunadong apartment sa Kuwait.
Ayon sa mga ulat, posible pang iapela ng mag-asawang sina Nader Essam Assaf at Mona Hassoun ang hatol ng Kuwaiti Court.
Sa ngayon ay nananatiling hawak ng Lebanese authorities si Assaf, habang nasa Damascus, Syria naman si Hassoun.
Matatandaang kasunod ng pagkakadiskubre sa bangkay ni Demafelis ay ipinag-utos naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabawal sa pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait at hanggang ngayon ay ipinatutupat pa rin ang deployment ban.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.