Babaeng nagbebenta ng pampalaglag arestado sa Maynila
Nagsasagawa lamang ng clearing operation ang mga otoridad sa Carriedo Street sa Sta. Cruz, Maynila nang matiyempuhan ang isang babaeng nagbebenta ng pampalaglag.
Dahilan ito upang arestuhin ng Plaza Miranda police ang suspek na nakilalang si Elizabeth Franco alyas Betty, 64 na taong gulang.
Ayon kay Police Chief Inspector Leandro Gutierrez, matagal na nilang pinaghahanap si Franco matapos mapag-alamang nagbebenta ito ng pampalaglag sa paligid ng Quiapo.
Narekober mula sa suspek ang P40,000 ng mga gamot na sinasabing pampalaglag.
Aminado naman si Franco sa pagbebenta ng abortion pills. Ngunit depensa nito, nagawa lamang niya ang pagbebenta ng mga pampalaglag dahil sa kahirapan ng buhay. Aniya pa, nanggaling ang mga gamot mula sa isang dayuhan na hindi naman niya pinangalanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.