BJMP, walang naitalang jail break sa paggunita ng Semana Santa
Walang naitalang jail break ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa paggunita ng Semana Santa.
Ayon kay Jail director Deogracias Tapayan, ito ay dahil sa 100 percent na nakaduty ang lahat ng tauhan ng BJMP.
Bukod dito, sinabi ni Tapayan na naka-red alert status din aniya ang BJMP sa Semana Santa dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bisita ng mga bilanggo.
Agad namang binati ni Tapayan ang kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na pagbabantay sa Semana Santa at pagtitiis na hindi na muna makapagbakasyon.
“I wish to commend our personnel for their hardwork in ensuring peace and order in our facilities,” ani Tapayan.
Sa kasalukuyan, nasa 481 district, city at municipal jail ang minamanage ng BJMP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.