Ilang buto ng mga labi at bomba, narekober sa war zone sa Marawi
Patuloy na nakakarekober ang tropa ng pamahalaan ng ilang buto ng mga labi ng mga biktima at mga bomba sa war zone sa Marawi City.
Ito ay resulta ng halos limang buwang bakbakan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group sa naturang lugar.
Ayon kay Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner, aabot na sa walong labi ang nakuha ng militar simula noong October 2017.
Maliban dito, nakuha rin aniya ng mga sundalo ang ilang bomba na hindi sumabog sa lugar.
Panganib aniya ito para sa mga bumabalik na mga residente sa ilalim ng Kambisita program ng Task Force Bangon Marawi.
Samantala, nakatakdang bisitahin ng mahigit 7,000 bakwit ang kanilang tahanan sa loob ng sector 1 sa Barangay Tolali ngayong araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.