2 security airport personnel, arestado matapos nakawan ang isang turistang Japanese sa NAIA
Arestado ang dalawang airport security personnel matapos magnakaw ng pera mula sa isang turistang Japanese sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ninakawan ng mga suspek ang turistang si Yuya Sakata habang sumasailalim sa baggage inspection sa nabanggit na paliparan noong Holy Wednesday.
Batay sa ulat ni case investigator APO2 Jerrold Demegillo, nasa predeparture area na ang 22-anyos na turista para sa kaniyang connecting flight patungong Cebu nang mapag-alamang nawawala ang kaniyang pitaka.
Ayon kay Sakata, nawala sa kaniya ang aabot sa 1,700 Autsralian dollars o katumbas ng P68,000.
Ngunit batay sa mga otoridad, aabot lang sa 300 Australian dollars o P12,000 ang narekober mula sa dalawang suspek na sina Stephen Bartolo at Demie James Timtim, intelligent agents ng Office for Transportation Security.
Bunsod nito, mahaharap sa kasong qualified theft ang mga suspek.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa nawawalang pera ni Sakata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.