DOTr Sec. Tugade ininspeksyon ang ginagawang maintenance sa MRT-3
Nagsagawa ng inspeksyon si Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugade ang nagpapatuloy na maintenance sa MRT-3.
Kasama ni Tugade na nagsagawa ng inspeksyon umaga ng Huwebes Santo sina DOTr Usec. for Railways TJ Batan, MRT-3 General Manager Rudy Garcia, at MRT-3 Director for Operations Mike Capati.
Nadismaya naman si Tugade nang makita ang hindi maayos na records at inventory keeping nang magtungo ito sa warehouse ng spare parts ng MRT-3.
Pinagsabihan pa ni Tugade ang mga tauhan ng MRT sa warehouse at inatasang agad ayusin ang sistema ng records keeping.
Aniya sa nasabing record malalaman kung kulang o nag-oover oder ng mga spare parts ng tren kaya kailangang maayos at organisado ang record.
Pagkagaling sa warehouse at sa depot ay pinuntahan naman ni Tugade ang main line ng MRT-3 para tignan din ang ginagawang maintenance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.