Babawiin na ni Pampanga representative Gloria Macapagal-Arroyo ang inihaing panukalang Basic Act for Bangsamoro Autonomous Region (BABAR).
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza, ito ay para bigyang daan ang naunang panukalang batas na Bangsamoro Basic Law (BBL).
Ayon kay Dureza, habang nakikipagpulong kagabi si Pangulong Rodrigo Duterte sa Moro leaders at mga kinatawan ng Bangsamoro Transition Council (BTC), tumawag sa kanya si Arroyo para iparating ang pagsuporta sa bagong version ng BBL.
Ayon kay Dureza, tiniyak naman ng pangulo na gagamitan niya ng executive action sakaling mabibigo ang Kongreso na ipasa ang BBL.
Dagdag ni Dureza, naniniwala ang pangulo na ang BBL ang lulutas sa ugat ng rebelyon sa Pilipinas.
Kasama sa pagpupulong kagabi sina Moro Islamic Liberation Front (MILF) chairman Al Haj Murad, Chairman Ghadzali Jaafar at Mohagher Iqbal mula sa hanay ng BTC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.