Nakakaranas ngayon ng kakapusan sa bus ngayong hapon ang Five Star bus na may biyaheng pa-norte.
Sa kanilang terminal sa Pasay, apat na piraso lamang ang ordinary bus habang iisang ang aircon bus na available para sa mga pasahero na pahaba na nang pahaba ang pila.
Ayon sa dispatcher ng Five Star, posibleng na-traffic ang kanilang bus na biyaheng Cabanatuan at Dagupan na pabalik sa Maynila habang maaaring nagpahinga muna ang mga driver ng mga biyaheng Bolinao na bumiyahe hanggang kaninang madaling araw.
Wala naman daw dapat na ipag-alala ang mga pasahero dahil tuloy tuloy ang kanilang biyahe 24 oras at tatanggap sila ng pasahero kahit na Huwebes at Biyernes Santo.
Mamayang gabi hanggang bukas ang inaasahan nilang buhos ng pasahero na uuwi sa probinsya.
Samantala sa DLTB bus terminal sa EDSA-Pasay na may biyaheng southern luzon, kakaunti pa ang pasahero pero inaasahan din nilang magdadagsaan ang mga ito mamayang gabi hanggang bukas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.