Duterte at Moro leaders nagkaharap para talakayin ang BBL

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 28, 2018 - 11:56 AM

Nakipagpulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang Moro leaders sa Davao City.

Ito ay para talakayin ang Bangsamoro Basic Law.

Kabilang sa mga nakaharap ng pangulo si Moro Islamic Liberation Front chairman Al Haj Murad at Chairman Ghadzalia Jaafar at si Mohagher Iqbal mula sa Bangsamoro Transition Commission.

Sa panig ng gobyerno, kasama sa pagpupulong sina Special Assistant to the President Christopher Bong Go, Presidential Adviser on the Peace Process Jess Dureza at Secretary Adelino Sitoy.

Matatandaang noong Lunes lamang sinabi ng pangulo sa pagbisita sa Patikul, Sulu na nais niyang makausap ang Moro leaders para talakayin ang BBL at konsultahin sa isinusulong na pederalismo.

Sa ngayon wala pa namang ibinibagay na karagdagang detalye ang malakanyang kung ano ang naging bunga ng pag-uusap kagabi ng pangulo at ng moro leaders.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: bangsamoro, BBL, Moro leaders, Rodrigo Duterte, bangsamoro, BBL, Moro leaders, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.