Bahagi ng Ortigas extension isasara bukas hanggang Biyernes para bigyang-daan ang Alay Lakad sa Antipolo

By Donabelle Domionguez-Cargullo March 28, 2018 - 11:01 AM

Ilang oras na isasara sa mga motorista ang bahagi ng Ortigas Avenue extension patungo ng Antipolo sa Rizal.

Ito ay para bigyang-daan ang taunang “Alay Lakad” sa Antipolo na dinarayo ng mga deboto at namamanata taun-taon.

Sa abiso ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Rizal, mula alas 6:00 ng gabi bukas, Huwebes Santo hanggang alas 6:00 ng umaga sa Biyernes Santo ay sarado ang bahagi ng Ortigas Avenue extension partikular ang mula sa Cainta Junction hanggang sa Antipolo.

Ang mga motorista ay inaabisuhan na dumaan sa East Bank Road Floodway sa bahagi ng Ynares Blvd. o ‘di kaya ay sa Marcos Highway bilang alternatibong ruta.

Samantala, naglabas naman ng paalala ang Rizal Provincial government sa mga makikiisa sa Alay Lakad patungong Antipolo Cathedral.

Kabilang sa paalala ang pagtiyak na maayos ang kondisyon ng katawan.

Pagsuot ng tama at naaayong damit para sa nasabing religious event.

Manatili sa kanang bahagi ng kalsada sa kasagsagan ng Alay Lakad at sundin ang mga road at directional signs.

At makinig sa mga anunsyo para sa kaligtasan ng mga lalahok.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Alay Lakad, Antipolo, Holy Week, Radyo Inquirer, Alay Lakad, Antipolo, Holy Week, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.