Ninakaw na urn ng namatay na Pinay sa US, narekober na ng mga otoridad

By Justinne Punsalang March 28, 2018 - 02:30 AM

Photo courtesy of SOUTHERN POLICE DISTRICT/ C/SUPT. TOMAS APOLINARIO

Ibabalik na ng mga otoridad sa pamilya Cruz ngayong araw ang ninakaw na brass urn na naglalaman ng mga abo ng namatay na Pinay sa Estados Unidos.

Ayon kay Southern Police District (SPD) director, Chief Superintendent Tomas Apolinario, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang concerned citizen na sinabing gusto na nitong ibalik ang urno ni Maria Pilar Cruz. Ayon umano dito, nalaman lamang niya mula sa social media na galing pala sa nakaw ang nasabing gamit.

Sinasabing ibinenta ito ng suspek na si Dionesio Layson sa halagang P1,800.

Gabi ng March 27 nang dalhin sa opisina ni Apolinario ang urno.

Ayon pa sa hepe, nasa loob pa rin ng urn ang mga abo ni Cruz.

Matatandaang March 3 nang nakawin ang urno mula sa pinaglalagakan nito sa Manila Memorial Park.

2004 naman nang mamatay si Cruz matapos operahan ng pekeng doktor sa Estados Unidos na nagresulta sa komplikasyon sa kalagitnaan ng operasyon na dahilan ng pagkamatay nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.