Bagyong Caloy lumabas na ng Pilipinas

By Justinne Punsalang March 28, 2018 - 02:06 AM

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Caloy na mayroong international name na Jelawat.

Sa abisong inilabas ng PAGASA, alas-10 ng gabi nang huling mamataan ang bagyo sa 1,020km silangan, hilagang-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur. Mayroon itong dalang hangin na 65km kada oras at pagbugsong aabot naman ng 80kph.

Nasa katamtaman hanggang sa mabigat na pag-ulan ang dala ng bagyo na makaapekto sa loob ng 550km diameter.

Patuloy na binabagtas ng bagyong Caloy ang hilagang direksyon sa bilis na 15kph.

Inaasahang mamayang gabi ay nasa 1,100km silangan, hilagang-silangan ng Guiuan, Eastern Samar ang bagyo.

Samantala, ayon pa sa PAGASA, hindi na inaasahang muling papasok ng PAR ang bagyong Caloy.

Kaugnay nito ay wala ring nakataas na tropical cyclone warning signal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.