Malacañang: Duterte hindi interesado sa ikalawang termino
Suportado ng Malacañang ang pahayag ni Consitutional Committee Chairman at dating Chief Justice Reynato Puno na hindi na maaring magkaroon ng ikalawang termino si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinusulong na charter change.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, noon pa man ay wala nang intensyon ang pangulo na manatili pa sa puwesto oras na matapos ang jkanyang panunungkulan sa Hulyo, 2022.
Sinabi pa ni Roque na paulit-ulit na ring sinabi ng pangulo na bababa siya sa puwesto ng mas maaga oras na mabago na ang kasalukuyang porma ng gobyerno patungo sa pederalismo.
Ang grupo ni Puno ay inatasan na bumalangkas ng mga panuntunan para sa pagsusulong ng pagpapalit sa porma ng pamahalaan.
Matatandaang inatasan na ng pangulo ang mga sundalo at pulis na barilin siya kapag naging kapit-tuko sa kanyang puwesto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.