Gobyerno hinimok na palakasin ang app-based transport system sa bansa
Hinimok ng isang mambabatas ang Land Transportation Franchsing and Regulatory Board (LTFRB) na payagan ang pagpasok ng mas maraming transport network company sa bansa.
Ipinahayag ni Kabayan Party-list Representative Ciriaco Calalang na hindi maganda para sa publiko ang “ride-hailing monopoly” dahil sa kakulangan ng kakumpitensya.
Sinabi ni Ciriaco na kinakailangang magpapasok ng LTFRB ng mas maraming TNCs para masilbihan ang mas maraming pasahero at masira ang monopoly ng Grab.
Ayon kay Ciriaco, sa ganitong paraan, mabibigyang-daan ang mas mataas na standards at mas murang pasahe para sa publiko.
Ginawa ng mambabatas ang pahayag makaraang ibenta ng Uber ang negosyo nito sa Southeast Asia sa kakumpitensya nitong Grab.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.