Pangulong Duterte, nais maging mayor ng Davao ang isa sa kanyang apo

By Chona Yu March 27, 2018 - 08:27 AM

Dalawang araw bago ang kanyang ika-73 kaarawan, may isang hiling si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay ang maging Mayor ang kanyang apo na si Omar Duterte.

Sa talumpati kagabi (Lunes, Marso 26) ng pangulo sa Patikul Sulu, sinabi nito na wala na siyang hangad na palawigin pa ang kanyang termino dahil sa masyado na siyang pagod sa kanyang trabaho.

Magkakaroon na lamang aniya siya ng interes na maging Mayor ng Davao ang kanyang apo na si Omar.

At least ayon sa pangulo mayroong isang muslim na dumaan na Mayor ng Davao.

“Huwag kayong matakot sa akin hanggang ano lang — matanda na ako eh, matanda na ako. At wala akong bisyo niyang pag-extend nang extend ng term. Hindi lang ninyo alam gaano kapagod. Mag-interest na lang ako ‘yung apo ko maging mayor ng Davao, okay na ‘yan. At least may dumaang mayor na Muslim,” ayon sa pangulo

Magkasama kagabi sina Omar at ang Pangulo sa turn-over ng mga armas at presentasyon ng nga nagsisukong miyembro ng Abu Sayyaf group.

Si Omar ay ang panganay na anak ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa unang asawa na si Lovelie Sangkola Sumera.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao City, Omar Duterte, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Davao City, Omar Duterte, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.