Publiko hinikayat na gawing penitensya ang pag-iwas sa paninigarilyo

By Mark Makalalad March 27, 2018 - 07:51 AM

Hinikayat ng isang anti-smoking advocates ang mga Pilipino na magtiis muna at lumayo sa bisyo ngayong Semana Santa.

Ayon sa grupong New Vois Association of the Philippines (NVAP), dapat ay magsakripisyo muna ang mga naninigarilyo at dumistansya sa mga sigarilyo.

Hindi lang naman umano kasi “abstinence” sa pagkain ng karne ang ginagawa tuwing Semana Santa kundi pati na rin sa bagay na nakakapagpadumi ng sarili.

Ayon kay NVAP President Emer Rojas, pagkakataon ang Linggo na ito para magnilay-nilay kung kaya’t marapat lang na manahimik at magdasal.

Sinegundahan naman ito ng Sigaw ng Kabataan Coalition (SKC) na sinabing maging mga e-cigarettes ay dapat din na iwasan.

Sa pamamagitan anila nito ay maiiwasan ang pagkalason ng katawan.

Dagdag pa nila, dapat ay makilhok na lang sa mga pabasa at Visita iglesia ang mga Pilipino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Holy Week, New Vois Association of the Philippines, Radyo Inquirer, smoking, Holy Week, New Vois Association of the Philippines, Radyo Inquirer, smoking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.