Mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan patuloy ang pagdagsa sa mga pantalan

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 27, 2018 - 07:10 AM

PCG Photo

Patuloy ang pagdagsa sa mga pantalan ng mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan.

Alas 6:00 ng gabi kagabi sinabi ng Philippine Coast Guard na umabot sa 68,720 ang total outbound passengers ang kanilang namonitor.

Pinakamaraming pasaherong naitala sa mga pantalan sa Western Visayas na umabot sa 15,389.

Sinundan ito ng mga pantalan sa Southeastern Mindanao na umabot naman sa 11,108.

At ikatlo sa Southern Tagalog na nakapagtala ng 9,448 na pasahero.

Ayon sa Coast Guard base sa monitoring ng kanilang passenger assistance centers sa mga pantalan sa buong bansa ay mapayapa naman sitwasyon at ang pagbiyahe ng mga pasahero mula noong weekend.

 

 

 

 

 

TAGS: coast guard, Holy Week, Radyo Inquirer, coast guard, Holy Week, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.