Natagpuang nakahandusay ay wala nang buhay ang isang babae sa Barangay New Lower Bicutan sa Taguig City.
Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlang ang babaeng biktima na mayroong tama ng bala na siyang posibleng nagdulot ng kanyang kamatayan.
Ayon sa isang barangay tanod, hindi residente sa kanilang lugar ang biktima.
Samatala, kwento ng mga residente, nakarinig sila ng tatlo hanggang limang putok ng baril at nang tingnan kung saan ito nanggaling ay natagpuan nila ang bangkay ng biktima.
Hindi pa batid kung sino ang nasa likod ng pamamaslang at kung ano ang motibo nito.
Dalawang basyo ng kalibre 38 baril ang narekober ng mga otoridad mula sa pinangyarihan ng insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.