Paghuhukay sa Elliptical Road sisimulan na para sa MRT 7 project

By Mark Makalalad March 26, 2018 - 03:33 PM

Nakahanda na ang traffic management plan ng Metropolitan Manila Development Authority kaugnay sa road widening project sa Elliptical Road, Quezon City kaugnay pa rin sa ginagawang MRT 7.

Ayon sa MMDA, simula sa Huwebes, March 29, maghuhukay na ang DPWH ng tunnel sa Philcoa Area o Commonwealth Avenue papunta ng Elliptical Road.

Kaugnay nito ay maglalagay ng separator sa gitna ng Elliptical Road mula Maharlika hanggang Commonwealth.

Kaya ang mga galing ng Quezon Avenue, East Avenue at Kalayaan at kakanan pa-Commonwealth, kailangang pumasok sa separator. Habang mga motorista naman mula Maharlika ay obligado nang dumaan sa Commonwealth Ave. dahil may harang paglabas.

Dahil tig-dalawang inner lanes sa magkabilang panig ng Commonwealth ang kakainin ng proyekto, 5 lanes na lang ang magagamit.

Samantala, tiniyak naman ng MMDA na hindi magkukulang sa paglalagay ng paalala sa kalsada para sa mga dumadaan dito nang sa gayon ay makabawas sa abala at maiwasan ang posibleng aksidente.

Inaasahan matatapos ang proyekto sa Agosto 2018.

TAGS: Elliptical Road, mmda, MRT 7, quezon city, Elliptical Road, mmda, MRT 7, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.