Publiko, binalaan sa kumakalat na pekeng Biogesic

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 26, 2018 - 10:52 AM

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko sa kumakalat na pekeng Biogesic paracetamol sa merkado.

Sa abiso ng FDA, kinumpirma ng United Laboratories Inc., na mayroong ibinebentang pekeng Biogesic 500 milligram tablets.

Pinayuhan ng FDA ang publiko at mga health care professionals na maging maingat sa binibili nilang gamot sa merkado para matiyak na hindi peke ang kanilang mabibili.

Ayon sa FDA, magkaiba ng kulay ang authentic at pekeng produkto, iba rin ang foil packaging pattern, foil material at magkaiba rin ang printed markings.

Pinaalalahanan din ng FDA ang mga nagpapakalat at nagbebenta ng pekeng Biogesic na sila ay maaring maharap sa kasong paglabag sa Republic Act Number 9711 o Food and Drug Administration Act of 2009, gayundin sa kasong paglabag sa Republic Act Number 8203 o Special Law on Counterfeit Drugs.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Biogesic, FDA, Radyo Inquirer, Biogesic, FDA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.