Mga tauhan ng Philippine Coast Guard nagsasagawa ng inspeksyon sa mga pantalan
Todo-bantay na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa mga pantalan sa bansa dahil sa pagsisimula ng pagbiyahe ng mga uuwi sa mga lalawigan.
Upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng coast guard sa mga sasakay gayundin sa mga sasakyang pandagat.
Partikular na isinasagawa ang pag-inspeksyon sa mga rolling cargoes bago ito makapaglayag.
Pagtiyak na ang mga pasahero ay nakasulat sa manifesto.
Pagtatalaga ng K-9 dogs upang mag-inspeksyon ng mga bagahe ng pasahero bago sumakay sa Ro-Ro.
Pagtiyak na ang mga pasahero ng motor bancas ay nakasuot ng life jackets.
At pagtiyak na mayroong passenger assistance desks sa bawat pantalan.
Linggo ng gabi sa datos ng coast guard, umabot na sa 71,641 na outbound passengers ang kanilang namonitor sa iba’t ibang pantalan sa buong bansa.
Sa kabuuang bilang na 71,6415 na naitala alas-6 ng gabi ng March 25, pinakamarami sa Central Visayas na may 15,860.
Sinundan naman ito ng Western Visayas na may 14,338 at Southern Tagalog na may 8,146.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.