TESDA Chief Joel Villanueva tatakbong Senador

By Den Macaranas October 06, 2015 - 07:25 PM

Joel-Villanueva
Inquirer file photo

Nagdeklara na ng kanyang kandidatura sa Senado si Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Sec-Gen. Joel Villanueva.

Sa kanyang talumpati sa harap ng halos 6,000 TESDA graduates sa Cuneta Astrodome sa Pasay City ay inisa-isa ni Villanueva ang kanyang mga accomplishments sa loob ng ahensya na kanyang pinaglingkuran mula pa noong July taong 2010.

Nasabay  sa nasabing event sa kaarawan ng kanyang ama na si Jesus is Lord founder Bishop Eddie Villanueva.

Sinabi ni Villanueva na isa tapat na paglilingkod na nakatuon sa turo ng panginoon ang magiging sandigan ng kanyang panunungkulan sakaling palarin siya sa pagtakbo sa Senado.

“Ako po ay nag-aaply ng trabaho para maging kinatawan ninyo sa Senado”, dagdag pa ni Villanueva.

Pinasalamatan din ng opisyal si Pangulong Noynoy Aquino sa pagtitiwala na ibinigay sa kanya para pamunuan ang TESDA na ayon sa kanya ay nagbigay ng pag-asa sa mga mahihirap nating mga kababayan.

Present rin sa Scholars’ Day ang ilang mga kongresista na naka-sama ni Villanueva noong siya’y kinatawan pa sa kongreso ng Cibac Partylist group.

Ayon kay Villanueva, sa ilalim ng kanyang panunungkulan ay umabot sa kabuuang 877,943 ang scholars ng TESDA na ngayon ay kumikita na ng sapat para sa kani-kanilang mga pamilya.

TAGS: Aquino, Senator, Tesda, Villanueva, Aquino, Senator, Tesda, Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.