Halos 90,000 mga pasahero naitala ng PCG sa mga pantalan kahapon
Naitala ng Philippine Coast Guard ang halos 90,000 na mga pasahero sa mga pantalan sa buong bansa bago ang Holy Week bilang bahagi ng kanilang Oplan Biyaheng ayos.
Sa kabuuang bilang na 89,125 na naitala alas-6 ng gabi ng March 25, pinakamarami sa Western Visayas na may 18,760.
Sinundan ito ng Central Visayas na may 15,746, South Eastern Mindanao na may 15,672, at Southern Tagalog na may 11,065 na mga pasahero.
Naitala rin ng PCG ang sumusunod na outbound passengers sa ibang coast guard districts:
National Capital Region – 2,003
Southwestern Mindanao – 4,295
Palawan – 1,498
7. Northwestern Luzon – 240
9. Bicol – 3,766
10. Northern Mindanao – 6,849
11. Eastern Visayas – 2,936
12. North Eastern Luzon – 451
13.Southern Visayas – 5,844
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.