Libu-libong katao, dumalo para sa ‘March for Our Lives’ sa U.S

By Rhommel Balasbas March 25, 2018 - 01:55 AM

Isang malakihang protesta ang dinaluhan ng libu-libong katao partikular ng mga estudyante sa Estados Unidos upang ipanawagan ang mas mahigpit na gun control.

Ang malakihang protestang ito ay sumiklab matapos ang malagim na pagpatay sa 17 katao ng isang gunman sa Marjory Stoneman Douglas High School sa Florida.

Sigaw ng mga kabataan ang pagbabawal sa pagbebenta ng assault weapons, pagtataas sa edad ng mga pwedeng bumili ng mg armas. mas mahigpit na background checks at seguridad sa mga esweklahan at pag-aksyon laban sa school violence.

Sa panayam ng Associated Press kay Maya McEntyre 15-anyos na estudyante mula sa Northville, Michigan na dumalo sa rally, sinabi nitong pagod na siyang matakot sa pagpunta sa eskwelahan

Iginiit ni McEntyre gusto niya nang masolusyonan ang problema bago pa siya mabiktima nito.

Inaasahang aabot pa sa kalahating milyong katao ang dadalo sa itinuturing na pinakamalaking youth rally na ito sa Washington DC simula pa noong Vietnam era.

Mahigit 800 kaparehong pagkilos din ang ipinaplano sa buong Estados Unidos at sa labas ng bansa.

Nagkaroon naman ng solidarity marches sa London, Edinburgh, Geneva, Sydney at Tokyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.