Tren ng PNR, nadiskaril

By Rod Lagusad, Rohanisa Abbas March 24, 2018 - 03:36 PM

Courtesy: Gabriel John Humilde

Nagkaroon ng aberya ang Philippine National Railways (PNR) sa Maynila.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Gabriel John Humilde, pasahero ng PNR, kaalis lamang ng tren sa Paco Station Southbound bandang alas-2:00 ng hapon nang makarinig sila ng malakas na pagkalabog.

Dito na nalaman ng mga pasahero na nadiskaril ang kanilang sinasakyang tren.

Inabot pa ng ilang minuto aniya bago binuksan ang pinto sa magkabilang dulo ng tren makaraang may ma-suffocate umano na pasahero.

Dito na nakalabas ng tren ang mga pasahero na naglakad sa riles pabalik ng Paco Station para hintayin ang kasunod na tren habang ang ilan naman ay sumakay na ng ibang alternatibong masasakyan sa lugar.

Kaugnay nito, kinumpirma ng pamunan ng PNR ang insidente ngunit sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag.

Nagpadala na ng mga tauhan ang PNR para aksyunan ito.

Courtesy: Gabriel John Humilde

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.