May-ari ng Dimple Star, makikipagtulungan sa imbestigasyon sa bus accident sa Occidental Mindoro
Nangako ang mag-asawang may-ari ng Dimple Star Bus Lines na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon na isinasagawa ng mga
otoridad kaugnay sa ng aksidente na kinasangkutan ng isa nilang bus sa Occidental Mindoro.
Sa kanilang paglutang sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame kagabi, sinabi ni Hilber Napat na kaya sila
sumuko ay para ipakita ang kanilang sinseridad sa naganap na insidente.
Handa raw silang sagutin ang hospital bills ng mga biktima at nakausap na rin nila mga ito sa mga pangangailangan nila.
Paliwang ni Napat, hindi muna sila tututok sa isyu ng pagkansela ng kanilang prangkisa dahil ang mas mahalaga aniya muna sa
ngayon ay ang pagtulong sa mga biktima ng insidente.
Sinabi naman ng kanyang asawa na si Nilda na hindi nila kagustuguhan ang nangyari. Taos-puso rin daw silang nakikiramay sa mga
pamilyang naiwan ng 19 na nasawi sa bus crash.
Samantala, nagpasalamat naman si CIDG Director Roel Obusan sa pakikipagtulungan ng mag-asawa.
Pinag-aaralan din nila kung iho-hold ang mga ito sa CIDG base sa mga testimonya at ebidensya na kanilang makakalap.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.