Hanging amihan at tail-end of a cold front, nakakaapekto sa Luzon
Patuloy ang pag-iral ng hanging amihan o northeast monsoon sa malaking bahagi ng Luzon habang nakakaapekto naman ang tail-end of a cold front sa ilang bahagi ng Katimugang Luzon partikular na sa Bicol Region.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng mga pag-ulan na may kasamang mga pagkulog at pagkidlat ang Kabikulan, mga lalawigan ng Marinduque, Mindoro at Romblon dahil sa tail-end of a cold front.
Maulap naman na may mahing pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at lalawigan ng Aurora.
Magiging maalinsangan naman o ‘generally fair weather’ ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Makararanas naman ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Eastern Visayas partikular sa mga lalawigan ng Samar at Leyte.
Magiging maalinsangan naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao maliban sa mga isolated rain showers and thunderstorms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.