May-ari ng Dimple Star Transport sumuko sa PNP
Matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto sa may-ari ng Dimple Star Bus, agad itong nagtungo sa headquarters ng Philippine National Police (PNP) para isuko ang sarili.
Mula sa Laguna, nagtungo sa PNP- Police Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame ang may-ari ng
Dimple Star Transport.
Ayon naman kay Atty. Rene Grapilon, legal counsel ng Dimple Star, hindi sumuko at lalong hindi inaresto ang kaniyang kliyente.
Aniya, nagtungo lang ito sa CIDG para linisin ang kaniyang pangalan.
Paliwanag ni Grapilon, walang warrant of arrest laban sa kaniyang kliyente.
Dagdag pa ni Grapilon, hindi naman ginusto ng sinoman lalo na ng pamunuan ng Dimple Star ang nangyaring trahedya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.