Sugatan sa nahulog na motor ng gondola sa Makati, umabot na sa 4

By Donabelle Cargullo-Cargullo March 23, 2018 - 07:09 PM

Umakyat na sa apat ang bilang ng mga nasugatan sa pagbagsak ng dalawang motor ng gondola sa isang pampasaherong jeep sa Makati City.

Mula sa ika-68 palapag ng Shang Salcedo Place Building sa Bunedia Avenue ang gondola motors nang ito ay mahulog sa duamdaang jeep.

Nasugatan sa nasabing insidente ang tatlong pasahero ng jeep at ang operator ng gondola na si Antonio Arcilla.

Ayon sa Makati City Police, tinatayang aabot sa P60,000 ang halaga ng pinsala sa jeep. Maliban sa pampasaherong jeeo, tatlong sasakyan pa ang tinamaan din ng nagbagsakang debris.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang dahilan ng pagbagsak ng motor ng gondola.

Tiniyak naman ng Shang Properties Inc., na makikipagtulungan sila sa imbestigasyon at sasagutin nila ang gastos sa ospital ng mga nasugatan gayundin ang mga nasirang sasakyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Gondola, makati city, Shang Salcedo Place, Gondola, makati city, Shang Salcedo Place

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.