LOOK: Ilang lansangan sa Metro Manila sasailalim sa repair ngayong weekend
Inabisuhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista hinggil sa isasagawang road repair at reblockings sa ilang lansangan sa Quezon City at Taguig ngayong weekend.
Ayon sa DPWH, magsisimula ang road repair alas 11:00 ng gabi ng Biyernes, March 23.
Sa Quezon City, kabilang sa mga maaapektuhan ang mga sumusunod na lansangan:
NORTHBOUND
- Bonifacio Avenue mula Mauban Street hanggang Sgt. Rivera, outerlane
- EDSA mula K-10th Street hanggang East Avenue, 1st lane mula sa sidewalk
- EDSA mula San Beda Road hanggang Fema Road, 6th Lane
- Congressional Avenue mula San Beda Road hanggang Visayas Avenue, 1st lane
- Quirino HIghway mula STI Novaliches hanggang Rockville, inner lane
SOUTHBOUND
- Bonifacio Avenue crossing Sgt. Rivera, middle lane
- Visayas Avenue sa harap ng PCOO, outerlane
Sa Taguig City naman apektado ng repair ang bahagi ng C5 Road.
Ayon sa DPWH, sa March 26, araw ng Lunes alas 5:00 ng umaga ay mabubuksan na sa daloy ng traffic ang mga nabanggit na lansangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.