118 units ng Dimple Star bus sinuspinde ng LTFRB
Pinatawan ng suspensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang 118 units ng Dimple Star Bus matapos ang panibagong trahedyang kinasangkutan ng isa nitong unit sa Occidental Mindoro na ikinasawi ng 19 na katao.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, 30 araw na suspensyon ang ipinataw sa buong fleet ng Dimple Star.
Nagsasagawa na rin ng inspeksyon ang mga tauhan ng LTFRB sa mga terminal ng Dimple Star, at maging ang kanilang mga bus ay isinasailalim sa inspeksyon.
Ayon kay Delgra, mula noong taong 2011, umabot na sa 134 ang nasugatan at 25 ang nasawi sa mga aksidente na kinasangkutan ng mga unit ng Dimple Star.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.