Pagtakbo ni Robredo bilang VP ni Mar, hindi dahil sa pressure ng LP

By Chona Yu October 06, 2015 - 01:25 PM

12071312_10206548461245425_1710856840_nItinanggi ni Senate President Franklin Drilon na na-pressure lamang ng Liberal Party si Camarines Sur Representative Leni Robredo kung kaya napilitan itong tumakbong bise presidente ni Mar Roxas.

Ayon kay Drilon, pawang kasinungalingan ang naglabasang ulat ngayon sa pahayagan na na-pressure si Robredo kaya nagpasyang tumakbo.

Paliwanag ni Drilon, kaya nagdadalawang-isip noon si Robredo na sumabak sa vice presidential race ay dahil sa pagtutol ng kanyang tatlong babaeng anak. “Hindi po totoo iyan. Siyempre, ngayon pa lang ay kung ano-anong kasinungalingan ang ibinabato sa atin. Kaya po nagdadalawang isip noon si Congresswoman Robredo ay dahilan sa kanyang pamilya, at ang hindi po pumapayag ang kanyang mga anak, dahil siyempre, ‘fear of the unknown’,” ayon kay Drilon.

Sinabi ni Drilon na hindi biro at mabigat na responsabilidad ang papasukin ni Robredo kung kaya hindi maiwasan ng kanyang mga anak na mag-alangan.

Aminado si Drilon na noong Sabado lamang ng umaga pumayag ang mga anak ni Robredo na sumbak ito sa vice presidential race.

Una rito, sinabi ng ina ni Robredo na si Salvacion Gerona na na-pressure lamang ang kanyang anak ng LP kung kaya pumayag itong makatandem si Roxas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.