LPA sa labas ng bansa patuloy na binabantayan ng PAGASA
Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure area na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.
Ayon sa PAGASA, bagaman wala itong direktang epekto sa bansa, ang extension nito ay naka-aapekto na sa eastern section ng Mindanao.
Sa abiso ng PAGASA ngayong umaga, maraming lalawigan na sa Mindanao ang nakararanas ng pag-ulan.
Partikular na apektado ng pagpag-ulan dahil sa thunderstorms ang Hinatuan, Bislig City at Lingig sa Surigao Del Sur.
Surigao City, Claver, at Gigaquit sa Surigao del Norte.
Baganga, sa Davao Oriental at ang Lake Cebu sa South Cotabato.
Samantala, nananatili namang umiiral ang Northeast Monsoon sa Northern at Central Luzon.
Habang tail-end ng cold front naman ang umiiral sa eastern section ng Southern Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.